Sunday, August 8, 2010

Alamat - Panaginip



Ang bandang Alamat sa kanilang awiting Panaginip... idinirehe ni Casie Villarosa para sa Center for Philippine Arts and Cultural Entertainment Association, Inc. Ang bidyo na ito ay ginawa sa entablado ng Amazing Show sa Manila Film Center at ginampanan ng mga piling talento at mga kawani ng Amazing Show sa pangunguna ni Roel Ilagan bilang Amanag Hari, Jaytee Castro bilang Prinsesa Jeti at ni Ed Datuin bilang ala Max Alvarado daw. Ang koreograpiya ay ginawa ni Mark Anthony Agana at isinayaw ng mga kalalakihang tagapagtanghal ng Amazing Show.

Maraming salamat sa lahat ng tumulong lalo na ang mga production assistants na nagbigay buhay sa set, kay Santi na kumuha rin ng bidyo at kay Jerry Santos na kumuha ng mga larawan.

No comments:

Almost a year :)