Monday, May 22, 2017

Ang aking alaala sa skalawags




Noong late 80s, ako ay guro sa St. Scholastica’s College at nakatira sa isang maliit na boarding house sa Leon Guinto. Nakilala ko ang isang kapwa Lasalista na si Edwin Aguilar na nakatira sa katabing boarding house at kami ay naging magkaibigan. Siya ang nagpakilala sa akin sa tropa nila Bonglennon, Raymond Sanchez, Ompong at Nonong at nagkaisa kaming bumuo ng banda.
Noong  panahon na iyon, ang banda ko na Insurgency ay nagkahiwalay hiwalay na dahil sa aming mga kanya kanyang trabaho. Sa totoo lang, wala akong alam noon sa ska at punk music lang naman talaga madalas kong pakinggan, pero sila nag orient sa akin sa ska. So nakita ko na hindi masasayang ang mga sinulat kong mga kanta para sa insurgency dahil sa skalawags na ito mapupunta. (Although as fate would have it, magkakahiwahiwalay rin naman pala kami dahil magiging Tropical Depression sila lahat, hahaha, pero at least na irecord naming ang Thank you America under Musika)

Masakit yung yugto na iyon at di kami nag usap usap ng matagal. Si Domeng, two years mahigit bago ko kinausap at si Chikoy pinangaralan ako na ang banda ay hindi kasal. Hehe

So immediately after the break up, pinorma ko ang Marginals at tumagal kami ng mahigit limang taon on and off…. Ang unang album na insecurities ay na release under Aquarius records and Tapes at ang pangalawang album na Balang Araw ay unreleased. Nakaikot pa rin naman kami sa eksena… sa dredd at mayric’s pero never kaming nagkakatagpo ng mga dating skalawags sa tugtugan.  Ika nga nila ay iniiwasan ako noon ni Domeng. Hehe  Naging active din ang Marginals sa local punk scene… dun sa rock a punk series and Angry Young bands compilation tapes.

I would move on to normal jobs and even odd jobs para suportahan ang nanay kong may sakit noon, pero di ko iniwan ang paggawa ng mga kanta… later nung maulila ako, nahilig ako sa tech side ng music para makapag produce ng mga kanta, nagtayo ng studyo-istudyuhan at nag produce ng walong album na personal, isa para sa kaibigang producer para sa bandang PRAXIS at tatlong album ng tatlong bandang alaga ko (Ang Bandang Alamat, Back Pipe, Asherdash) under sunset records. 128 songs total. hahaha

Paminsan minsan, pag may pagkakataon… nakakasalang sa mga tugtugan pero yun lang. Wala sa eksena, walang plano… 5 years ago, napadalas punta sa akin ni Domeng sa opisina … kasama si Edwin, minsan kasama si nonong at lennon. Later sya na lang… 3 years ago sinilip ko sng Jerks sa Tiendesitas and that’s it.

Sabi ko, this year is significant kasi mag 50 na ako so ano kaya magandang alaala bago ako matigok at nakita ko sa youtube ang reunion ng specials. Sabi ko it would be nice to reunite with skalawags… the band who was almost there… hahaha. And alas… isang araw, may bagong chat room sa messenger ko na skalawags ang name at binuo ni Edwin… so eto na. Wish it and it just might come true!

Ang skalawags, unlike other bands nowadays, wala kaming masyadong footprint… ang mayroon lang ay ang mga alaala ng mga nakapanuod sa amin sa marami naming mga nagging tugutugan. At iyon ang nakakatuwa, buhay pa ang mga lolo. Hahaha

So sa June 2, dalhin ang mga maintenance pills at tumungo sa B-side Makati para manuod sa mga Pilipinas Ska Bands… kasama syempre ang the SKALAWAGS.

No comments:

Almost a year :)