Wednesday, May 31, 2017
Sunday, May 28, 2017
Monday, May 22, 2017
Ang aking alaala sa skalawags
Noong late 80s, ako ay guro sa St. Scholastica’s College at
nakatira sa isang maliit na boarding house sa Leon Guinto. Nakilala ko ang
isang kapwa Lasalista na si Edwin Aguilar na nakatira sa katabing boarding
house at kami ay naging magkaibigan. Siya ang nagpakilala sa akin sa tropa nila
Bonglennon, Raymond Sanchez, Ompong at Nonong at nagkaisa kaming bumuo ng
banda.
Noong panahon na
iyon, ang banda ko na Insurgency ay nagkahiwalay hiwalay na dahil sa aming mga
kanya kanyang trabaho. Sa totoo lang, wala akong alam noon sa ska at punk music
lang naman talaga madalas kong pakinggan, pero sila nag orient sa akin sa ska.
So nakita ko na hindi masasayang ang mga sinulat kong mga kanta para sa
insurgency dahil sa skalawags na ito mapupunta. (Although as fate would have it, magkakahiwahiwalay rin naman pala kami
dahil magiging Tropical Depression sila lahat, hahaha, pero at least na irecord
naming ang Thank you America under Musika)
Masakit yung yugto na iyon at di kami nag usap usap ng
matagal. Si Domeng, two years mahigit bago ko kinausap at si Chikoy
pinangaralan ako na ang banda ay hindi kasal. Hehe
So immediately after the break up, pinorma ko ang Marginals
at tumagal kami ng mahigit limang taon on and off…. Ang unang album na insecurities ay na release under
Aquarius records and Tapes at ang pangalawang album na Balang Araw ay unreleased. Nakaikot pa rin naman kami sa eksena… sa
dredd at mayric’s pero never kaming nagkakatagpo ng mga dating skalawags sa
tugtugan. Ika nga nila ay iniiwasan ako
noon ni Domeng. Hehe Naging active din
ang Marginals sa local punk scene… dun sa rock a punk series and Angry Young
bands compilation tapes.
I would move on to normal jobs and even odd jobs para
suportahan ang nanay kong may sakit noon, pero di ko iniwan ang paggawa ng mga
kanta… later nung maulila ako, nahilig ako sa tech side ng music para makapag
produce ng mga kanta, nagtayo ng studyo-istudyuhan at nag produce ng walong
album na personal, isa para sa kaibigang producer para sa bandang PRAXIS at
tatlong album ng tatlong bandang alaga ko (Ang
Bandang Alamat, Back Pipe, Asherdash) under sunset records. 128 songs
total. hahaha
Paminsan minsan, pag may pagkakataon… nakakasalang sa mga
tugtugan pero yun lang. Wala sa eksena, walang plano… 5 years ago, napadalas
punta sa akin ni Domeng sa opisina … kasama si Edwin, minsan kasama si nonong
at lennon. Later sya na lang… 3 years ago sinilip ko sng Jerks sa Tiendesitas
and that’s it.
Sabi ko, this year is significant kasi mag 50 na ako so ano
kaya magandang alaala bago ako matigok at nakita ko sa youtube ang reunion ng
specials. Sabi ko it would be nice to reunite with skalawags… the band who was
almost there… hahaha. And alas… isang araw, may bagong chat room sa messenger
ko na skalawags ang name at binuo ni Edwin… so eto na. Wish it and it just
might come true!
Ang skalawags, unlike other bands nowadays, wala kaming
masyadong footprint… ang mayroon lang ay ang mga alaala ng mga nakapanuod sa
amin sa marami naming mga nagging tugutugan. At iyon ang nakakatuwa, buhay pa
ang mga lolo. Hahaha
So sa June 2, dalhin ang mga maintenance pills at tumungo sa
B-side Makati para manuod sa mga Pilipinas Ska Bands… kasama syempre ang the
SKALAWAGS.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
PS Supt. Napoleon L Cuaton Pasay City Police Station has a new Officer-in-Charge, Chief of Police PSSupt. Napoleon L Cuaton who was with the...
-
photography by Casie Villarosa Part one of the long overdue posting of the Amazing Show Cebu performers' photo shoot at the Hadsan Cove ...
-
She's the tallest among the lot. Standing at 6'1" tall, she dwarfs the other performers with her height. A couple of years back...